Abangan! Abs-cbn, Nalalapit Na Ang Pagbabalik, Mga Tv Shows, Patok Na Patok Sa Mga Viewers.

Sabado, Marso 2, 2024

 


Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa, patuloy pa ring namamayagpag ang mga palabas ng ABS-CBN Kapamilya network. 


Kahit na nawalan ng opisyal na prangkisa, hindi maikakaila ang pagiging numero uno ng Kapamilya sa paghahatid ng mga de-kalidad na programa at nilalaman, maging sa telebisyon o sa digital na platform. 



Ang kanilang mga programa ay patok na patok at tinatangkilik ng kanilang tapat na manonood. 


Lalo na ang mga programa sa primetime, na talagang inaabangan at sinusundan ng marami kahit pa lumipat sa ibang network o mapanood sa mga online platform. 




Ayon sa pag-aaral at datos mula sa Nielsen Philippines TAM tungkol sa mga rating sa telebisyon, madalas na nangunguna ang mga palabas ng Kapamilya sa oras ng primetime. 


Mula sa sikat na seryeng aksyon na "FPJ: Batang Quiapo" hanggang sa adaptasyon ng "F4 Thailand: Boys over Flowers," kitang-kita ang dominasyon ng Kapamilya network. 



Ang seryeng "FPJ: Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco Martin ay kinilala bilang isa sa mga programa na may pinakamataas na rating sa buong bansa, na nalampasan pa ang katapat nitong palabas sa GMA na "Black Rider" ni Ruru Madrid. 


Hindi rin pahuhuli ang seryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan ng tambalang Donbelle, na tinatangkilik din ng marami sa online. 




Ganun din ang romantikong drama series na "Linlang" na pinagbibidahan ni Kim Chiu, na nakikipagsabayan sa ratings sa oras ng primetime.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento