Seksi Star Na Si Angeli Khang, Kinasuhan Ng KSMBPI!

Biyernes, Oktubre 13, 2023



Parami nang parami ang sinasampolan ngayon ng KSMBPI o Kapisanan ng Social Media Broadcasters of the Philippines Incorporated na sinampahan ng kasong kriminal ng mga social media personalities dahil sa hindi ka aya-ayang pinapalabas sa social media.


Ngayon lang pumutok ang balita na sinampahan na ng criminal charges ng KSMBPI ang seksi star at Viva Max artist na si Angeli Khang.


Sinampahan ng KSMBPI ng six-count criminal case ang Viva Max seksi artist na si Angeli Khang sa Pasay City Prosecutors Office noong Martes, Oktubre 10.



Ayon sa KSMBPI, nilabag ni Angeli Khang ang cybercrime prevention act of 2012 nang i-post ng artist ang kanyang 'malasw*ng' video sa kanyang mga social media account.


Na madaling ma-access at mabuksan sa publiko ng mga menor de edad.



Nilinaw din ng KSMBPI na hindi ang multi media company ang tatanggap ng kaso kundi si Angeli Khang lamang dahil sa pag-upload nito sa kanyang personal social media account.


Narito ang mga komento at reaksyon ng mga netizens



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento