Kim Chiu Aminadong Nasaktan Sa Sampal Ni Maricel Soriano Sa Kanilang Serye Na Linlang!

Biyernes, Oktubre 13, 2023


Trending pa rin sa twitter ang pangalan ng character ni Kim Chiu sa Linlang na si Juliana, ito ay matapos maglabas ng panibagong episode ng nasabing serye ang Prime Video.


Kung saan sunod-sunod na sampal ang pinakawalan ni Maricel Soriano kay Kim Chiu.


Matatandaan sa mga panayam ni Kim Chiu na dream come true ang masampal siya ng diamond star na si Maricel Soriano kaya naman kahit masakit ay tinapatan niya ang pag-arte sa batikang aktres.



Ayon pa kay Kim Chiu, parang hinampas ng baseball bat ang pakiramdam ng sinampal ni Maricel Soriano.


Biro pa nga ni Kim Chiu "Buo pa naman yung ngipin ko. Compress pa naman yung molars."


Sa kabilang banda, number 1 trending pa rin ang Linlang sa Prime Video at patuloy itong kumukuha ng maraming view, dahilan upang lalo itong pag-usapan sa iba't ibang social media platforms.


Narito ang komento at reaskyon ng mga netizens



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento