Yexel Sebastian, Wanted Kay Rendon Labador!

Biyernes, Oktubre 13, 2023


Kamakailan ay naging viral sa social media ang kontrobersiyang kinakaharap ng magkasintahang sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin matapos masangkot sa investment scam.


Maging ang nagpakilalang self proclaim motivational speaker na si Rendon Labador ay hindi napigilan ang kanyang sarili na ilabas ang kanyang reaksyon sa isyung kinakaharap ng dalawang ito.


Hindi pinalampas ni Rendon ang inireklamong kolektor ng laruan at dating miyembro ng streetboys na si Yexel Sebastian na sangkot sa 200 million investment scam.



Sa kanyang Instagram story, binatikos ni Rendon si Yexel na sa kabila ng mga isyu na kailangan niyang harapin ay lumipad patungong Japan kasama ang kanyang kasintahan na si Mikee.


"Nakita mo na ba itsura ng kulungan?" tanong ni Rendon kay Yexel,

"Tumakas ka pa papuntang Japan, akala mo makakatakas ka sa akin?"

"Wait ka lang, magbakasyon ka hanggang kaya mo. Bilang na yung masasayang araw mo!"



Hindi makapaniwala ang mga netizens na nakaalis na ng bansa ang mag-asawa, kinumpirma ng Immagration ang paglipad ng mag-asawa dahil wala umanong sinampa ng kaso laban sa dalawa.


Narito ang mga komento at reaksyon ng mga netizens:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento