Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na ibasura ang petisyon na inihain ng kampo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Layunin ng petisyon na obligahin ang Pangulo na sumailalim sa physical at mental examination, kabilang ang hair follicle drug test, at ilabas sa publiko ang resulta nito. Sa komento ng OSG, sinabi nitong walang sapat na basehan sa batas at Konstitusyon ang ganitong kahilingan.
“Walang constitutional duty ang Pangulo na sumailalim sa physical at mental examination, lalo na sa hair follicle drug test, at ilabas ang resulta nito sa publiko kung walang malinaw na batayan sa batas at walang seryosong sakit na dapat ipaalam sa taumbayan.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento