Muling naging usap-usapan si Awra Briguela matapos mapansin ng ilang netizens ang kanyang outfit sa binyag ng anak ni Bea Borres na si Baby Pea.
Sa mga kumalat na posts online, may mga netizens na nagsabing hindi umano angkop ang suot ni Awra para sa isang binyag. Para sa kanila, may tamang lugar at okasyon para sa matapang na fashion statement, at hindi raw dapat agawin ang atensyon sa isang religious at family event. Kumalat ang isyu sa ilang Facebook posts na tumalakay sa outfit ni Awra sa naturang okasyon.
Kaya nang makita ng ilang netizens ang outfit ni Awra, may mga nagsabing tila masyado itong “attention-grabbing” para sa ganitong klaseng pagtitipon. Ang punto ng mga bumabatikos: hindi lahat ng fashion look ay bagay sa lahat ng event.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento