Nagbigay-linaw si DILG Secretary Jonvic Remulla kaugnay sa presensya ng National Bureau of Investigation sa GSIS compound matapos umingay ang isyu sa insidente sa Senado.
Ayon kay Remulla, hindi raw naroon ang NBI para pasukin o salakayin ang Senado. Sa halip, mismong GSIS umano ang humiling ng tulong upang bantayan ang gusali at ang mga mamahaling artwork na nasa loob nito. Ayon kay Remulla, humiling umano ang GSIS ng dagdag na seguridad dahil sa pangambang masira ang mahahalagang ari-arian sa loob ng gusali.
“Ang NBI ay tinawag ng GSIS para tumulong sa seguridad ng gusali at protektahan ang bilyong pisong halaga ng mga artwork sa loob. Hindi ito operasyon para salakayin ang Senado, kundi hakbang upang maiwasan ang pinsala sa mahahalagang ari-arian.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento