umakalat ngayon ang usap-usapan na maaaring magkaroon na naman ng panibagong palitan ng liderato sa Senado, wala pang isang linggo matapos maupo si Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President kapalit ni dating Senate President Tito Sotto.
Lumulutang ngayon ang pangalan ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang posibleng kapalit ni Cayetano, at maaari umanong pag-usapan ito sa Lunes, Mayo 18
Tinitingnan umano si Zubiri bilang “acceptable” sa magkabilang panig ng Senado. Ibig sabihin, maaari siyang maging compromise candidate kung may mga senador mula sa majority at minority na parehong pagod na sa gulo, bangayan, at krisis sa kredibilidad ng institusyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento