Wala pang isang linggo matapos mapatalsik si dating Senate President Tito Sotto at maupo si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President, may lumulutang na namang usap-usapan tungkol sa panibagong kudeta sa Senado.
Sa pagkakataong ito, ang bali-balita ay posibleng may galaw umano mula sa minority bloc upang kumbinsihin ang ilang miyembro ng bagong mayorya na bumalik sa panig nina Sotto.
Ang sinasabing bagong kudeta ay hindi pa opisyal na kumpirmadong plano ni Sotto. Pero may mga ulat na mismong si Cayetano ang nagsabing may mga minority senators umano na umaabot sa ilang majority members para kumbinsihin silang lumipat ng panig.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento