Advertisement

Responsive Advertisement

“PAG-ARALAN MUNA ANG BATAS” USEC. CLAIRE CASTRO TINUTULAN PANUKALANG BATAS NI SEN. PADILLA NA MANDATORY HAIR FOLLICLE DRUG TEST SA MGA OPISYAL

Biyernes, Mayo 8, 2026

 



Mariing tinutulan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na sumailalim sa hair follicle drug test.


Kasabay nito, diretsahan ding pinayuhan ni Castro si Senador Robin Padilla na pag-aralang mabuti ang umiiral na batas at mga desisyon ng Korte Suprema bago magsulong ng mga panukalang maaaring lumabag umano sa Konstitusyon.


Ayon kay Castro, hindi maaaring gawing mandatory at universal ang drug testing para sa lahat ng opisyal dahil malinaw na protektado ng Konstitusyon ang karapatan sa privacy ng bawat mamamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento