Naniniwala si Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na ang resulta ng presidential survey bago ang impeachment vote sa Kamara ay nagpakita na hindi na “sure win” si Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections.
Para kay Ridon, nabasag na ang dating imahe ni Duterte bilang halos imposibleng talunin sa national race
Hindi rin biro ang naging boto sa Kamara. Ayon kay Ridon, inaasahan lamang niya noon na papalo sa humigit-kumulang 230 hanggang 235 ang boto pabor sa impeachment, pero umabot ito sa 257. Tinukoy niya na ito ay nasa 80 porsiyento ng kabuuang Kamara, kaya para sa kanya, overwhelming ang suporta sa impeachment laban kay VP Sara
“Ipinakita ng survey bago ang impeachment vote na hindi invincible si VP Sara Duterte. Nabuksan ang mata ng publiko sa mga isyung matagal nang kailangang sagutin. Kung akala ng iba ay sure win na siya sa 2028, malinaw ngayon na hindi ganoon ang sitwasyon.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento