Binatikos ng broadcaster at columnist na si Ramon “Mon” Tulfo si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos itong manatili sa loob ng Senado sa gitna ng isyu sa arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.
Diretso ang punto ni Tulfo kung may warrant at seryosong kaso, dapat nang magkusa si Bato na sumuko sa awtoridad para matapos ang tensyon sa Senado. Hindi raw dapat madamay ang buong institusyon sa personal na laban ng isang senador.
“Nababoy ang Senado dahil sa nangyayari. Kung talagang may tapang at respeto sa batas, dapat magkusa nang sumuko si Sen. Bato sa awtoridad para matapos na ang kaguluhan sa Senado.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento