Umiinit lalo ang usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos maglabas ng matapang at kontrobersyal na pahayag si Party-list Rep. Mike Defensor laban sa mga kongresistang sumusuporta sa impeachment complaint.
Sa kanyang diretsahang mensahe, binalaan ni Defensor ang mga mambabatas na huwag umanong magkamali sa kanilang magiging desisyon laban kay VP Sara.
Bukod sa pagtatanggol kay VP Sara, binanggit din ni Defensor si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang susunod na lider na handa umanong lumaban kung matuloy ang impeachment.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento