Nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na hindi raw tamang sabihing magulo ang Senado. Para sa kanya, mas angkop na sabihin na ginugulo ang Senado ng mga taong may sariling interes at posibleng may layuning patalsikin siya sa puwesto.
Sa gitna ng sunod-sunod na kontrobersiya sa mataas na kapulungan, iginiit ni Cayetano na may pagkakaiba ang institusyong natural na magulo at ang institusyong sadyang nililikha ang gulo. Sa mga ulat, sinabi niya na ang Senado ay “ginugulo,” kasabay ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng counter-coup o panibagong palitan ng liderato
“Magkaiba ang magulo ang Senado at ginugulo ang Senado. Bilang Senate President, nakikita ko na may mga taong gustong gumawa ng gulo para patalsikin ako at iluklok ang ibang senador. Maaari pa nilang gamitin ang mga tau-tauhan para sa kanilang masamang balak sa Senado.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento