Lalong uminit ang kontrobersiya sa pagkakaaresto ng online media personality na si Franco Mabanta matapos ihayag ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na may umano’y “special relationship” ito sa pamilya Duterte.
Sa isang press conference, nagpakita si Castro ng mga larawan kung saan makikitang magkasama si Mabanta at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagtitipon. Ayon sa Malacañang, mahalagang malaman ng publiko ang koneksyon ng mga personalidad na sangkot sa mga kontrobersyal na isyu at political attacks laban sa administrasyon.
Sa harap ng media, inilabas ni Castro ang mga larawan bilang bahagi umano ng paglilinaw sa tunay na koneksyon ni Mabanta. Bagama’t walang direktang akusasyon na may ilegal na gawain ang dating Pangulo kaugnay ng kaso, sinabi ng Palasyo na hindi raw maikakaila ang pagiging malapit ng online personality sa Duterte camp.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento