Ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla ang kanyang paniniwala na may “pure heart” ang kanyang mister na si Senador Robin Padilla.
Nauna nang napaulat na sinabi ni Mariel na hindi na raw tatakbo si Robin sa 2028 elections dahil sa pagkadismaya sa sistema at sa tindi ng batikos na natatanggap nito.
Sa panayam ni Mariel, sinabi niyang marami pang taong umaasa kay Robin at nais niyang huwag muna itong tuluyang umatras sa serbisyo publiko. Para kay Mariel, kung may mabuting puso ang isang tao at may intensyong tumulong, hindi dapat agad ito tapusin dahil lamang sa ingay ng politika at panghuhusga ng publiko.
“May pure heart ang mister ko. Marami pang taong umaasa sa kanya, kaya sana huwag muna siyang magretiro sa pulitika. Huwag basta-basta husgahan ang taong may mabuting puso at gustong makatulong sa iba at sa bansa.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento