Diretsahang pinatamaan ni Rep. Leila De Lima si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kinakaharap nitong impeachment trial sa Senado.
Para kay De Lima, kung tunay na walang kasalanan ang Bise Presidente, wala itong dapat iwasan, itago, o hadlangan. Sa halip, dapat nitong gamitin ang impeachment trial para sagutin nang malinaw ang mga alegasyon laban sa kanya.
Ayon kay De Lima, ang paglilitis ay hindi lang paraan para managot ang isang opisyal. Ito rin ay pagkakataon para sa akusado na ipagtanggol ang sarili sa harap ng batas at taumbayan.
“Kung walang kasalanan, dapat walang iniiwasan o dapat walang iwasan. Wala rin dapat pagtakpan at hindi dapat ito hinaharang.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento