Muling naging mainit ang pangalan ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos niyang igiit na kung iaalok sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posisyon bilang DILG Secretary, handa raw niya itong tanggapin.
Para kay Trillanes, hindi biro ang trabaho ng Department of the Interior and Local Government, lalo na ngayon na maraming sensitibong isyu ang nakatali sa law enforcement, public order, at paghabol sa mga wanted o fugitive personalities. Sa kanyang pananaw, kailangan ng DILG ng lideratong mabilis kumilos, hindi puro paliwanag, at hindi natatakot humarap sa malalaking pangalan.
Hindi pinalampas ni Trillanes ang performance ni DILG Secretary Jonvic Remulla. Sa gitna ng mga kontrobersya sa law enforcement, fugitives, at isyu kay Sen. Bato Dela Rosa, pinuna ni Trillanes ang umano’y kapalpakan ni Remulla bilang pinuno ng DILG.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento