Binigyan na umano ni DILG Secretary Jonvic Remulla ng direktiba ang hanay ng Philippine National Police na ipatupad ang arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa bilang pagsunod sa direktiba ng Department of Justice.
Mabigat ang hakbang na ito dahil si Dela Rosa ay hindi ordinaryong personalidad. Siya ay nakaupong senador, dating PNP chief, at isa sa mga pangunahing pangalan na inuugnay sa drug war noong nakaraang administrasyon.
Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na enforceable sa Pilipinas ang ICC warrant laban kay Dela Rosa at inatasan na ang law enforcement authorities na arestuhin siya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento