Opisyal nang inatasan ang mga law enforcement authorities, kabilang ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation, na ipatupad ang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng warrant mula sa International Criminal Court.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, enforceable sa Pilipinas ang ICC warrant laban kay Dela Rosa, at ang mga awtoridad ay inatasang arestuhin ang senador. Tinawag din ni Vida si Dela Rosa bilang “fugitive from justice” na dapat dalhin sa ICC upang harapin ang mga kaso laban sa kanya.
“Ang ICC warrant laban kay Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay enforceable, at inatasan na ang law enforcement authorities na ipatupad ang pag-aresto. Bilang fugitive from justice, dapat siyang dalhin sa ICC upang harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento