Advertisement

Responsive Advertisement

"NAUUNAWAAN KO ANG TAKOT AT BIGAT NG NARANASAN NILA" SEN. RISA HONTIVEROS NILINAW HINDI NIYA MINAMALIIT ANG NARANASANG TRAUMA NI SEN. PIA CAYETANO

Huwebes, Mayo 21, 2026

 



Nilinaw ni Senadora Risa Hontiveros na hindi niya minamaliit ang takot at emosyon ng mga kasamahan niyang senador na nasa Senate building noong mangyari ang putukan noong Mayo 13.


Ginawa ni Hontiveros ang paglilinaw matapos maging emosyonal si Senadora Pia Cayetano sa plenaryo dahil sa pahayag niyang tila “parang walang nangyari” matapos ang insidente.


“Hindi ko tinutukoy ang personal na damdamin ng mga kasamahan ko. Nauunawaan ko ang takot at bigat ng naranasan nila. Ang tinutukoy ko ay ang kilos ng institusyon. Hindi puwedeng parang normal lang ang lahat matapos ang putukan sa Senado. Kailangang kumilos, mag-imbestiga, at managot ang dapat managot.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento