Advertisement

Responsive Advertisement

"IKAW ANG DAPAT KASUHAN SA PAGSIGA-SIGA MO DITO" SEN. PANGILINAN HINDI AATRASAN ANG ETHICS COMPLAINT NI SEN. PADILLA

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 



Handang harapin ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang planong ethics complaint ni Senador Robin Padilla kaugnay ng umano’y pagsigaw niya sa plenary session ng Senado. Hindi umatras si Pangilinan sa isyu at sinabi niyang kung itutuloy ni Padilla ang reklamo, sasagutin niya ito at maaari pa siyang maghain ng kontra-reklamo.


Ayon kay Pangilinan, kakaiba kung magiging ethics case ang simpleng pagtataas ng boses sa gitna ng mainit na debate sa Senado. Iginiit niya na maraming pagkakataon nang nagkaroon ng sigawan o pagtaas ng boses sa plenaryo, pero hindi ito awtomatikong nauuwi sa kasong etikal.


“Ayaw ko ng away. Hindi ako palaaway, pero hindi ko aatrasan ang sinuman kung ang gusto ay kasuhan. Hindi uubra ang pambubully at pa-siga-siga.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento