Personal na nagtungo si DILG Secretary Jonvic Remulla sa Senate building matapos ang matinding tensyon kaugnay ng posibleng pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.
Sinabi ni Remulla na ligtas si Sen. Dela Rosa, nasa kanyang chambers, at may kasamang security personnel habang nagpapatuloy ang security sweep sa loob ng Senado.
“I am not here to arrest Sen. Bato. I am here to secure everyone.”
Sa gitna ng kalituhan, nilinaw ni Remulla na walang warrant of arrest na isisilbi laban kay Dela Rosa sa oras na iyon. Sinabi rin niyang naroon siya para siguruhin ang integridad ng Senado at proteksyon ng lahat ng senador.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento