Advertisement

Responsive Advertisement

"GUSTO LANG NILA E-SECURE ANG GUSALI" USEC. CLAIRE CASTRO IPINAGTANGGOL ANG NBI SA VIRAL DRILLING VIDEO SA SENADO

Biyernes, Mayo 15, 2026

 



Ipinagtanggol ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang mga NBI personnel na nakunan sa video na nagdi-drill sa isang pintuan sa lugar na konektado sa GSIS at Senado. 


Ayon kay Castro, hindi raw ito bahagi ng paglusob o “assault” sa Senado, kundi kaugnay ng request ng GSIS para ma-secure ang kanilang premises matapos ang tensyon sa Senate building.


Ayon sa paliwanag ni Castro, si GSIS General Manager Wick Veloso ang humingi ng assistance sa NBI para tiyakin ang seguridad ng GSIS building. Nilinaw din niya na walang operasyon ang NBI o PNP para arestuhin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa oras na iyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento