Opisyal nang inilabas ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang subpoena laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa mahigit 100 reklamong konektado umano sa extrajudicial killings (EJK).
Batay sa dokumento, inaatasan si Dela Rosa na humarap sa CIDG headquarters sa Camp Crame sa Mayo 14, alas-10:00 ng umaga.
Kasabay nito, lumutang din ang babala na maaari umanong maglunsad ng manhunt operation kung hindi sisipot ang senador.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento