Nakikita ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang mahalagang susi upang mabusisi ang mga kontrobersyang sumabog sa loob ng Senado matapos ang pag-upo ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President.
Naniniwala si Trillanes na ang Senate shooting incident ay umano’y “staged” para lumikha ng gulo, kumuha ng simpatya ng publiko, at matakpan ang pag-alis ni Bato sa Senado.
“Kung gusto nating malaman ang katotohanan, kailangang maimbestigahan nang buo kung staged ba ang kaguluhan sa Senado. Dapat busisiin kung sino ang nagplano, sino ang nakinabang, at paano nakaalis si Bato habang nasa ilalim ng proteksyon ng bagong liderato.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento