Sinermonan ni Rep. Benny Abante si dating Senador Sonny Trillanes kaugnay ng umano’y lihim nitong pakikipagpulong sa dalawang investigator mula sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Abante, hindi malinaw kung bakit kinakailangang isagawa ang naturang pulong nang hindi agad ipinaalam sa publiko.
Para sa kongresista, mahalagang maging transparent ang mga dating at kasalukuyang opisyal, lalo na kung may kinalaman ito sa isang sensitibong usapin na may implikasyon sa pambansang seguridad.
Kinuwestiyon din ni Abante ang pagiging lihim ng naturang pulong, lalo na’t si Trillanes ay dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa kanya, bilang dating sundalo, inaasahan na dapat ipakita ang pagiging patriot at katapatan sa bansa sa lahat ng pagkakataon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento