Naniniwala si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang isa sa mga pinakamalakas na posibleng kandidato sa 2028 presidential elections. Umaasa si De Lima na muling ikonsidera ni Robredo ang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
“We are not losing hope na magbabago pa ang isip ni Leni Robredo na tumakbo ulit sa 2028, for me she is the most winnable,” ani De Lima, na nagpapakita ng kanyang kumpiyansa sa dating Bise Presidente.
Iginiit ni De Lima na batay sa kanyang pananaw, si Robredo ang isa sa may pinakamalaking tsansa kung sakaling tumakbo. Ayon sa kanya, napatunayan na ni Robredo ang kanyang kakayahan sa pamamahala at sa pagsusulong ng transparency.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento