Advertisement

Responsive Advertisement

"ANO PA HONG PAG-AARAL ANG GAGAWIN NATIN" REP. ELI SAN FERNANDO GALIT SA TUGON NI PBBM NA PAG-AARALAN MUNA KUNG IBABA ANG MGA BILIHIN

Huwebes, Marso 19, 2026

 



Hindi napigilan ni Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando ang magpahayag ng galit kasunod ng naging sagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa posibilidad ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa gitna ng tensyon sa Middle East.


“‘Ano pa hong pag-aaral ang gagawin natin?’” ani San Fernando, bilang reaksiyon sa pahayag na patuloy pang inoobserbahan at pinag-aaralan ng administrasyon ang sitwasyon bago magpatupad ng konkretong hakbang.


Para kay San Fernando, ramdam na ng mga manggagawa at ordinaryong mamamayan ang bigat ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Aniya, hindi na dapat ipagpaliban pa ang mga hakbang na maaaring magpagaan sa gastusin ng publiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento