Nagpahayag ng pagdududa ang Malacañang kaugnay ng isang survey na nagpapakita umano ng malaking agwat sa net satisfaction ratings ni Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa naturang survey, mas mataas diumano ang satisfaction rating ng Bise Presidente kumpara sa Pangulo.
Iginiit ni Usec. Claire Castro na dapat munang busisiin ang pinagmulan at kredibilidad ng survey bago ito paniwalaan. Ayon sa kanila, mahalagang malaman kung sino ang nagsagawa nito, gaano karami ang respondents, at paano isinagawa ang pangangalap ng datos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento