Ipinahayag ni House Majority Leader Sandro Marcos, House Majority Leader, ang kanyang kasiyahan sa pamumuno ng bagong House Speaker na si Bojie Dy. Ayon kay Marcos, ramdam umano sa loob ng Kamara ang maayos na daloy ng trabaho at malinaw na direksyon mula nang maupo ang bagong lider.
Para sa House Majority Leader, ang unang mga linggo ng bagong pamunuan ay kritikal at sa ngayon, aniya, positibo ang naging resulta.
Iginiit ni Sandro Marcos na ang sentimyento sa loob ng Kamara ay pagkakaisa at kasiyahan. Ayon sa kanya, nakikinig ang bagong House Speaker sa mga miyembro at may malinaw na plano sa pamamahala ng lehislatura.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento