Nagpahayag ng malinaw na optimismo si Sen. Risa Hontiveros hinggil sa posibilidad ng kanyang tagumpay kung sakaling tumakbo siya sa pagkapresidente sa 2028. Ayon sa senador, unang pagkakataon na ramdam niyang malakas ang tsansa ng panalo dahil parami nang parami ang sumusuporta sa kanilang adbokasiya.
Ipinunto ni Hontiveros na ang dumaraming suporta ay hindi basta numero lamang. Para sa kanya, ito ay senyales ng tiwala ng publiko sa isang pamumunong may malinaw na prinsipyo serbisyong nakatuon sa karapatan, kabuhayan, at dignidad ng bawat Pilipino. Dagdag pa niya, ang tiwalang ito ay bunga ng konsistenteng paninindigan at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento