Haharap sa isang kasong indirect contempt si Senat President Tito Sotto, kasunod ng petisyong inihahain ng kampo ni Atty. Ferdinand Topacio. Ayon sa petisyon, may mga pahayag umano ang Senate President na itinuturing na paglapastangan at pag-insulto sa hudikatura, bagay na lumalampas sa pinahihintulutang saklaw ng malayang pagpapahayag lalo na para sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Nililinaw ng kampo ni Topacio na hindi nila nililimitahan ang karapatan ng sinuman sa malayang pananalita, subalit iginiit nila na may mas mataas na pamantayan para sa mga opisyal na may malaking impluwensya. Ayon sa kanila, ang mga salitang binibigkas sa publiko ay may bigat at maaaring makasira sa tiwala ng mamamayan sa hudikatura kapag hindi maingat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento