Mariing pinasinungalingan ni Vince Dizon, Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang alegasyong exempted sa inspeksyon ang mga ghost projects sa Ilocos Norte. Ayon kay Dizon, malinaw ang direktiba: lahat ng rehiyon ay saklaw ng kanyang site inspections, walang VIP lane, walang special treatment.
Nilinaw niya na may priority projects lamang na kailangang unahin dahil sa antas ng panganib at epekto sa publiko, ngunit hindi ibig sabihin nito ay lulusot ang Ilocos Norte o alinmang lugar na may anomalya.
Gayunman, binigyang-diin ni Dizon na ang pag-prioritize ay iskedyul lang, hindi pagpapaliban sa pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento