Isinusulong ni Rep. Perci Cendaña ang panawagang mapanagot ang mga mahistrado ng Supreme Court of the Philippines matapos ideklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay Sara Duterte.
Para kay Cendaña, hindi simpleng legal ruling ang usapin, ito raw ay tanong ng independensya. Aniya, ang Korte Suprema ay dapat tumayo bilang neutral na tagapagtanggol ng Konstitusyon, hindi bilang institusyong napaghihinalaang may pinapanigan.
Giit ng mambabatas, ang hudikatura ay may obligasyong lumayo sa impluwensiya ng pulitika, lalo na sa mga kasong may matinding political implications. Ayon sa kanya, matagal nang tapos ang panahon ng mga Duterte, at hindi dapat nagpapagamit ang Korte sa anumang puwersang pampulitika kanino man ito pabor.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento