Ipinahayag ng dating ACT-Teachers partlylist Rep. France Castro ang matibay na paninindigan para sa pananagutan at transparency sa pamahalaan, kasabay ng pagsuporta sa mga kilos-protesta na nananawagan ng katarungan. Ayon kay Castro, mahalagang ipagpatuloy ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte upang masagot ang mga alegasyong ibinabato at mapanagot ang sinumang opisyal kung may napatunayang paglabag.
Para kay Castro, ang kilos-protesta ay lehitimong paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng mamamayan. Hindi umano ito simpleng ingay sa lansangan, kundi paalala sa mga nasa kapangyarihan na ang taumbayan ay may karapatang magtanong, maningil, at humingi ng paliwanag.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento