Hindi pa tapos ang laban para kay Senate President Tito Sotto. Sa kabila ng naging desisyon ng Supreme Court na ibasura ang impeachment complaint laban kay Sara Duterte, inihayag ng Senate President na maghahain siya ng motion for reconsideration upang baligtarin ang pasya ng mataas na hukuman.
Ayon kay Sotto, hindi dapat maging kampante ang kampo ng bise presidente dahil may legal pang hakbang upang muling buhayin ang impeachment. Para sa kanya, hindi pa sarado ang pinto at may proseso pang maaaring tahakin.
Sa pananaw ni Sotto, may mga aspeto ng ruling ng Korte Suprema na dapat pang linawin at itama, lalo na sa usapin ng kapangyarihan ng Kongreso pagdating sa impeachment.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento