Inihayag ni Ombudsman Crispin Remulla na naka-standby na ang kaniyang arresting team para ihain ang posibleng warrant of arrest laban kina Sen. Bong Go at Sen. Bato Dela Rosa. Ayon sa Ombudsman, handa na ang kanilang hanay at hinihintay na lamang ang opisyal na kopya ng warrant at ang go signal mula sa kinauukulan.
Ipinaliwanag ni Remulla na bahagi ito ng kanilang mandato bilang tagapagpatupad ng batas. Aniya, hindi ito personal na usapin kundi isang legal na obligasyon na kailangang sundin sa oras na maging pormal ang kautusan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento