Mariing iginiit ni DPWH Secretary Vince Dizon na handa siyang husgahan ng mga Pilipino kung hindi niya magagawa at maipapaayos ang mga flood control projects na ipinag-utos sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa kanya, malinaw ang direktiba ng Pangulo na ayusin at tapusin ang mga proyektong makatutulong upang mabawasan ang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.
Binigyang-diin ng kalihim na hindi siya magtatago sa likod ng anumang dahilan sakaling hindi maging maayos ang implementasyon. Ayon sa kanya, bilang pinuno ng DPWH, responsibilidad niyang tiyakin na ang pondo at plano ay maipatupad nang tama at sa takdang panahon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento