Matapang na sinagot ni PCG Commodore Jay Tarriela ang naging pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano na dapat umano siyang humingi ng paumanhin kaugnay ng isyu ng umano’y provocation laban sa China.
Para kay Tarriela, malinaw ang kanyang posisyon: bakit siya hihingi ng sorry kung ang Pilipinas naman ang naaagrabyado? Iginiit ng opisyal ng Philippine Coast Guard na matagal nang nakararanas ng pangha-harass at pambubully ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.
Sa kanyang buwelta, tinanong ni Tarriela kung kailan umano humingi ng paumanhin ang China sa mga insidente ng panggigipit at pananakot sa mga Pilipinong mangingisda. Para sa kanya, hindi makatwiran na ang Pilipinas pa ang magpakumbaba sa gitna ng malinaw na paglabag sa ating teritoryo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento