Lumalakas ang posibilidad na magkaroon ng bagong tambalan sa 2028 presidential race matapos lumabas sa bagong pag-aaral ng OCTA Research na Sen. Raffy Tulfo at Sen. Risa Hontiveros ang isa sa pinakanapupusuan ng publiko na maging susunod na mga lider ng bansa.
“Kung suportado kami ng taumbayan, handa kaming magbigay ng alternatibo, isang gobyernong malinaw, diretso, at walang kinatatakutan.” -Sen. Raffy Tulfo
Ayon sa survey, ang kombinasyon ng matapang, diretso, at maka-masa na estilo ni Tulfo at ang prinsipled, transparent, at pro-people na liderato ni Hontiveros ang nagiging dahilan kung bakit mataas ang kanilang suporta mula sa mga botante.
Sa kabila ng matatag na pangalan ni Vice President Sara Duterte bilang frontrunner sa pagkapangulo sa 2028, malinaw sa resulta na may malakas na alternatibong tandem na nakikita ang sambayanan, isang tambalan na sa tingin ng marami ay kayang sumalungat at magbigay ng totoong laban sa tradisyonal na politika.
Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng karapatan ng ordinaryong Pilipino, si Sen. Raffy Tulfo ay kilala sa mabilis umaksyon sa mga hinaing ng tao. Samantala, si Sen. Risa Hontiveros naman ay consistent sa pagtindig laban sa katiwalian, pang-aabuso, at mga polisiya ng administrasyong taliwas sa kapakanan ng publiko.
Pinapakita ng survey na naghahanap ang publiko ng bagong direksyon at bagong klaseng liderato, hindi takot magsabi ng totoo, hindi nabibili, at hindi umaatras sa laban para sa ordinaryong mamamayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento