Advertisement

Responsive Advertisement

“MATAGAL KO NG ALAM, IMPORTANTE ANG KAPAKANAN NG MGA BATA” KYLIE PADILLA, MATAGAL NANG ALAM ANG REBELASYON NI AJ RAVAL

Miyerkules, Nobyembre 12, 2025

 



Muling naging usap-usapan sa social media ang aktres na si Kylie Padilla matapos niyang magbigay ng pahayag tungkol sa rebelasyon ni AJ Raval sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan inamin ni AJ na mayroon na siyang limang anak, tatlo rito ay kay aktor Aljur Abrenica, dating asawa ni Kylie.


Bagaman hindi tuwirang binanggit ni Kylie ang pangalan ni AJ, malinaw sa kanyang post na ito ay tugon sa isyung umiikot online. Sa kanyang mensahe, sinabi niya:


“Ito lang po comment ko para matapos na. Matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at ‘yun ang pinakaimportante. Happy that now di na kailangan magtago. Proud of you. Peace all around. Sana matapos na drama.”


Ang naturang pahayag ay agad na umani ng papuri mula sa mga netizens dahil sa kanyang maturity at respeto sa kasalukuyang sitwasyon nina AJ at Aljur.


Maraming tagahanga ang humanga sa ipinakitang kababaang-loob at pag-unawa ni Kylie. Ayon sa mga netizens, imbes na mag-react ng negatibo, pinili ni Kylie na maging kalmado at unahin ang mga anak nila ni Aljur.


Taliwas sa mga lumabas na espekulasyon noon, maayos ang relasyon ni Kylie, Aljur, at AJ. Pinatunayan ng pahayag ni Kylie na wala umanong samaan ng loob sa kanilang panig at naintindihan niya ang sitwasyon ng ex-husband at ng bagong partner nito.


Ito rin ay nagpatigil sa mga maling akusasyon na si AJ Raval umano ang naging third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie, bagay na itinanggi na noon pa ng lahat ng sangkot.


Ang pahayag ni Kylie Padilla ay isang paalala na sa kabila ng mga isyu, ang respeto at pag-unawa ay mas mahalaga kaysa drama. Sa halip na patulan ang intriga, pinili niyang ipakita ang kagandahan ng pagiging isang ina at dating asawa na marunong magpatawad at umunawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento