Advertisement

Responsive Advertisement

"I HAVE A COPY PERO HINDI SIYA OFFICIAL COPY" OMBUDSMAN REMULLA IGINIIT NA MAY KOPYA SIYA NG ICC WARRANT OF ARREST LABAN KAY SEN. BATO DELA ROSA

Martes, Nobyembre 11, 2025

 



Isang mainit na pahayag ang inilabas ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla matapos niyang iginiit na mayroon siyang kopya ng umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kahit pa hindi pa ito opisyal na natatanggap ng Department of Justice (DOJ).


“I have a copy! Pero hindi siya official copy. Basta alam ko meron” - Ombudsman Boying Remulla


Ayon kay Remulla, nauna raw siyang nakakuha ng impormasyon at kopya kumpara sa DOJ. Ngunit nilinaw niya rin na hindi pa ito ang opisyal na dokumento mula sa ICC, at hindi pa rin ito maipapatupad hangga’t walang formal transmission sa gobyerno ng Pilipinas.


Sa panayam ng media, iginiit ni Remulla na hindi ito base sa tsismis o hearsay. Aniya, galing umano sa “trusted international legal source” ang naturang dokumento at kumpirmadong may inilabas na warrant laban kay Dela Rosa bilang bahagi ng investigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyong Duterte.


Gayunpaman, hindi niya ipinakita sa media ang sinasabing kopya ng warrant at tumanggi siyang magbigay ng detalye kung paano ito nakarating sa kanya. Samantala, agad namang itinanggi ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap na ito ng anumang warrant o abiso mula sa ICC.


Ayon sa DOJ spokesperson, walang opisyal na dokumentong dumating sa kanilang tanggapan, at anumang kumakalat na impormasyon ay hindi pa lehitimo hangga’t walang pormal na komunikasyon mula sa The Hague. Dagdag pa ng DOJ, kahit may kopyang hawak si Remulla, hindi ito nangangahulugang maipapatupad agad sa bansa dahil hindi sakop ng ICC ang hurisdiksyon ng Pilipinas matapos itong umatras sa Rome Statute noong 2019.


Habang patuloy na nagbabanggaan ang mga pahayag ng Ombudsman at DOJ, malinaw na hindi pa opisyal na kumpirmado ang sinasabing ICC warrant laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento