Advertisement

Responsive Advertisement

"ALAM NG TAUMABAYAN NA SI ZALDY CO ANG MASTERMIND” DILG JONVIC REMULLA IGINIIT HINDI NA KAILANGAN ANG MAHABANG IMBESTIGASYON

Huwebes, Nobyembre 27, 2025

 



Nagpahayag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hindi na kailangang pahabain pa ang imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng korapsyon na kinasasangkutan ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.


Ayon kay Remulla, nakikita na ng taumbayan ang buong larawan, at malinaw umano kung sino ang “mastermind” sa mga kontrobersyang bumabalot ngayon sa flood control at iba pang proyekto ng pamahalaan.


“Hindi mo na kailangang kumbinsihin ang mga tao. Ang publiko mismo ang nakakakita kung sino ang may pakana para sa akin, malinaw, si Zaldy Co ang mastermind,” - DILG Secretary Jonvic Remulla 


Ayon kay Remulla, ang opinyon ng mamamayan ay mahalagang salik sa pagtukoy ng katotohanan. Aniya, kahit hindi pa natatapos ang mga imbestigasyon, ang mga ebidensiyang lumalabas at ang mga pangyayari mismo ay sapat na upang mahinuha ng publiko kung sino ang may pananagutan.


Ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ay nagpapakita ng malinaw na paninindigan laban sa korapsyon at isang matapang na mensahe na hindi na kayang linlangin ang mamamayan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento