Sa panayam sa Fast Talk With Boy Abunda, hindi napigilang maging emosyonal ni Jillian Ward habang tinutugunan ang usap-usapang may “sugar daddy” umano siya. Diretsahan niyang itinatanggi ang anumang ugnay kay Chavit Singson, at iginiit na pinaghirapan niya ang lahat ng mayroon siya bilang artista.
“Pinaghirapan ko po ang lahat ng meron ako. ‘Yung kotse ko ay second-hand, kaya ko siya nabili. Wala akong ‘sugar daddy,’ at hindi po kami magkakilala ni Chavit, hindi po kami nagkita. Kung may video man o pruweba, ilabas n’yo. Sana matigil na itong mga maling paratang.” -Jillian Ward
Walang “sugar daddy.” Aniya, hindi sila magkakilala at hindi sila nagkita ni Chavit. Sports car ay second-hand. Ipinaliwanag niyang second-hand ang kotse kaya mas mura at kaya niyang bilhin mula sa sariling kita.
Debut na may sponsors. Ang engrandeng selebrasyon ay karamihan sponsored at may tulong ng network, kaya hindi ito patunay ng anumang masamang hinala. Hamon sa akusasyon. “Kung may video, ilabas n’yo,” bilang tugon sa mga nagpapakalat ng tsismis.
Emosyonal na pakiusap. Umaasa siyang matigil na ang maling paratang na nakakaapekto sa kanya at sa pamilya. Malinaw ang mensahe ni Jillian Ward: trabaho, tiyaga, at suporta ng sponsors/network ang pundasyon ng kanyang mga naabothindi tsismis.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento