Advertisement

Responsive Advertisement

KIM DOMINGO, NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG KANYANG FUR BABY NA SI KOLEEN: "MASAKIT MAWALAN NG ISANG PARTE NG PAMILYA"

Biyernes, Setyembre 5, 2025

 



Hindi napigilan ni Kim Domingo ang kanyang matinding kalungkutan matapos pumanaw ang kanyang pinakamamahal na alagang aso na si Koleen. Sa isang emosyonal na mensahe na ibinahagi niya, ikinuwento ng aktres ang huling sandali ng kanyang fur baby at kung gaano kasakit ang pagkawala nito.


"Masakit mawalan ng isang parte ng pamilya, pero pinipili kong tandaan ang saya at pagmamahal na ibinigay sa akin ni Koleen. Mahal na mahal kita, anak, hanggang sa muli nating pagkikita." -Kim Domingo 


Ayon kay Kim, tila ba nagpaalam na si Koleen bago ito tuluyang pumanaw. “Yung mga mata mo tila ba nagsasabi sa akin na, ‘Mommy, gusto ko na magpahinga. Sorry hindi na ako makatayo, ni hindi ko na mawagwag buntot ko kahit excited akong makita ka.’”


Lubos ang kanyang pasasalamat sa isang dekadang pagsasama nila:

“Anak, salamat sa isang dekada. Kung pwede lang maulit. Balik ka na lang sa 3 month old. Kulang ang sampung taon pero alam ko lahat ay dadating diyan. No more pain na anak. Takbo ka diyan ha at kain ka madami tissue. Sobrang sakit anak pero ito ang realidad. Till we meet again. Run free. Mahal na mahal kita, Mommy Koleen.”


Para kay Kim, si Koleen ay hindi lamang alaga, kundi pamilya at anak na nagbigay sa kanya ng walang kapantay na saya at pagmamahal. Ang kanilang samahan ay patunay ng matibay na ugnayan ng tao at kanilang mga alaga, isang pagmamahal na hindi matutumbasan.


Ang kwento ni Kim Domingo at Koleen ay nagsilbing paalala na ang ating mga alaga ay higit pa sa hayop, sila ay pamilya na nagbibigay ng walang kapalit na pagmamahal. Ang pagkawala nila ay tunay na masakit, ngunit ang alaala ng kanilang samahan ay mananatiling buhay sa puso ng kanilang mga amo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento