Muling naging sentro ng usapan ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay matapos kumalat online ang haka-hakang hindi na raw fina-follow ni Ellen ang kanyang asawa sa Instagram. Dahil dito, naglabasan agad ang mga spekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.
Ngunit agad itong nilinaw ni Ellen sa kanyang Instagram story nitong Biyernes. Ayon sa aktres, hindi niya kailanman in-unfollow si Derek at posibleng may kinalaman lamang ito sa Instagram glitch.
“Stop making fake news. I never unfollowed my husband. Ever, Wala akong in-unfollow. Ever. Stop making fake news. Minsan may glitch talaga ang IG at ako mismo nalilito rin. Pero malinaw ito, hindi ko inalis ang asawa ko sa listahan ko." -Ellen
Ipinaliwanag niya na kapag sine-search si Derek ay lumalabas ito sa kanyang following list, ngunit kapag mano-mano niyang chine-check ang listahan, hindi ito makita. “I don’t know what’s up, IG?! Ako rin nalito nako lol,” dagdag pa niya.
Matatandaang madalas maging paksa ng tsismis sina Ellen at Derek simula pa nang ikasal sila noong 2021. Gayunpaman, paulit-ulit nang pinatunayan ng dalawa na matatag ang kanilang pagsasama at hindi basta-basta matitinag ng maling balita.
Hinikayat din ni Ellen ang publiko na tigilan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at paalala niya sa mga fans na hindi lahat ng nababasa online ay totoo.
Ang kontrobersiya tungkol sa umano’y pag-unfollow ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay ay isa lamang patunay kung gaano kabilis kumalat ang maling impormasyon online. Sa isang simpleng glitch, agad na nagbunga ng espekulasyon ang mga netizens.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento