Advertisement

Responsive Advertisement

HINDI LANG BUSINESS MAN, PET LOVER DIN: FERNANDO ZOBEL DE AYALA, VIRAL SA PAG-ALAGA NG ASPINS SA AYALA MALL

Linggo, Agosto 24, 2025

 



Hindi lang negosyo ang pinahahalagahan ni Fernando Zobel de Ayala, isa sa pinakamalaking pangalan sa mundo ng korporasyon sa Pilipinas. Kamakailan, nakita siyang nakikipagkulitan at humahaplos sa mga aspin sa loob mismo ng isang Ayala Mall.


“They are not just dogs, they have special place in my heart. Sila ay tapat at mapagmahal, at karapat-dapat silang bigyan ng respeto at tahanan tulad ng ibang aso.” -Fernando Zobel de Ayala


Ang eksena ay nakunan ni Greenfield Ramirez at agad na nag-viral online. Ayon sa post, sina Marty at Bully ang pangalan ng mga asong kalye na bahagi na ng komunidad sa nasabing mall. At sa halip na itaboy o dedmahin, mas pinili ng negosyanteng ito na ipakita ang kanyang malasakit at pagmamahal sa mga hayop.


Matagal nang kilala si Zobel bilang advocate ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) at sumusuporta sa adbokasiya ng responsableng pag-aalaga at pag-aampon ng mga asong kalye. Hindi na bago para sa mga nakakakilala sa kanya ang ganitong eksena dahil ilang beses na siyang nasangkot sa mga programa at kampanya para sa kapakanan ng mga hayop.


Umani ng papuri ang negosyante mula sa netizens:

“Grabe, nakakabilib na kahit isa siyang tycoon, hindi siya nahihiyang ipakita ang pagmamahal niya sa aspins.”


“Sana all businessmen may malasakit, hindi lang sa negosyo kundi pati sa mga hayop.”


Ang simpleng gesture ni Fernando Zobel de Ayala ay nagpapatunay na hindi hadlang ang yaman o katayuan sa lipunan para magpakita ng malasakit at pagmamahal sa hayop. Sa gitna ng pagiging abala bilang isa sa pinakamalaking negosyante sa bansa, nagagawa pa rin niyang bigyang pansin ang mga aspins na madalas ay hindi napapansin ng iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento