Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI KO DINURAAN ANG HOLY WATER!” — ISANG VLOGGER AT CONTENT CREATOR UMAPELANG WAG HUSGAHAN

Miyerkules, Agosto 6, 2025

 



Umani ng matinding batikos ang content creator na si Thine Medalla matapos kumalat ang isang video na umano’y nagpapakita sa kanyang dinuraan ang holy water font ng Parish Church of St. John the Baptist sa Jimenez, Misamis Occidental noong Agosto 3. Dahil dito, pansamantalang isinara ang simbahan habang patuloy ang pagkondena mula sa publiko at mga lider ng Simbahang Katolika.


Ngunit sa isang emosyonal na panayam, itinanggi ni Medalla ang akusasyon at sinabing hindi niya dinuraan ang banal na tubig. Ayon sa kanya, nag-wish lang siya tahimik sa Diyos.


Ayon kay Thine Medalla:

“Kumuha ako ng sobre tapos binalik ko kaagad. Tumingin ako sa holy water kasi nag-wish ako. ’Yun lang ang meaning ko doon. Matupad lahat ng pangarap ko kahit sa buhay ko hindi perpekto… wala akong magagawa, kailangan kong kumita ng pera."


Gayunman, iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na desecration o paglapastangan ang ginawa niya, anuman ang intensyon.


Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP:


“It is a form of desecration, ’yung duraan mo ’yung isang sacred object.”

“Malamang ang ganitong gawain ay bunsod ng kagustuhang sumikat sa social media.”


Binigyang-diin din ni Fr. Secillano na bagama’t posibleng walang kasong isasampa, ang tunay na epekto ay naramdaman ng buong pamayanan na hindi makapasok sa simbahan habang hindi pa natatapos ang acts of reparation.


Ang nangyaring isyu kay Thine Medalla ay paalala na sa panahon ng social media, isang maling kilos ay pwedeng magdulot ng malaking epekto hindi lang sa sarili kundi sa buong komunidad. Habang mahalaga ang freedom of expression, mas mahalaga ang respeto sa pananampalataya at banal na espasyo.


Hindi lahat ng “content” ay dapat gawin lalo na kung ang kapalit ay sagradong damdamin ng iba. Kung talagang ang layunin ni Thine ay makapagsalita sa Diyos, nawa'y magsilbing aral ito sa kanya at sa lahat ng content creators na ang pananampalataya ay hindi dapat gawing ‘clickbait.’


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento