Isang emosyonal at tapat na pag-amin ang ibinahagi ng content creator at trans woman na si Lars Pacheco sa kanyang Facebook page noong Huwebes, Agosto 21, 2025. Sa isang limang minutong video, isiniwalat ni Lars ang tunay na dahilan sa likod ng kanyang hiwalayan sa longtime boyfriend na si Clyde Vivas matapos ang pitong taon nilang relasyon.
“I take full accountability. I know I did what I did. I’m not proud of it, but I chose to be honest because Clyde deserves the truth and I need to be free from my own lies.” -Lars Pacheco
Ayon kay Lars, tatlong beses niyang niloko si Clyde, bagay na labis niyang pinagsisisihan ngayon. Ang una ay nangyari sa isang bar sa Makati City, kung saan nakilala niya ang isang Taiwanese national at nauwi ito sa isang one-night stand. Kinabukasan, si Clyde pa mismo ang sumundo at naghanap sa kanya, kahit wala siyang inamin tungkol sa nangyari.
Hindi natapos doon ang pagkakamali ni Lars. Muling nasundan ito nang makilala niya ang isang lalaki sa out-of-town work. Mula sa simpleng tinginan sa bar, nauwi ito sa palitan ng number at patuloy na komunikasyon nang palihim. Inamin ni Lars na itinago niya ito sa Instagram dahil alam niyang may access si Clyde sa kanyang account.
Bagama’t aminado siyang mali ang kanyang ginawa, sinabi ni Lars na pinili niyang magpakatotoo sa huli dahil ayaw na niyang mabuhay sa kasinungalingan.
Ang pag-amin ni Lars Pacheco ay isang mabigat na hakbang, hindi lamang bilang partner kundi bilang isang tao na handang akuin ang kanyang pagkakamali. Mahirap man ang pinagdadaanan niya ngayon, ipinapakita nito na may lakas ng loob siyang magsabi ng totoo kaysa patuloy na mabuhay sa kasinungalingan. Paalala ito na ang tiwala ay pundasyon ng isang relasyon at ang pagtataksil ay may kasamang mabigat na kapalit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento